Makabagong Dasal – Feeling Blessed

by Richard G. Dalida

Bumukas ang bintana;
Umangat ang kurtina.
Nagdasal ang pamilya;
Nagdiwang ang kapilya.

“Salamat po Ama namin!”
Tugon ng makasarili.
“Salamat po diyos ko!”
Sambit ng walang puso.

Paano mo ba mabibigkas ang salitang walang pintas?

Sila’y tumugon:
(May pagkain ka sa harap)
“Salamat sa grasya!”
(At sa iyong kamatayan)
“Salamat panginoon, binuhay mo ko nang matagal.”
(Oh sa oras na ikaw ay nagipit)
“Diyos ko! Iligtas mo po ako!”

Paano mo nabibigkas ang salitang walang-puso?

ANG TUNAY NA PANAGHOY:
(May ginagahasa habang ikaw ay nagdarasal)
” Huwag po! Huwag po!”
(At sa minamasaker)
” Huwag akong patayin!”
(Oh sa oras na may ibang taong nagipit)
” Iligtas mo rin ako!”

Sumara ang bintana;
Bumaba ang kurtina.
Nagdasal ang simbahan,
Sinalsal ang mga bata,

— Ng mga Pari,
Ng mga Pastor,
Ng mga Obispo,
At ng buong Simbahan,
Kasama na ang Diyos Ama,
Diyos Anak, at ng Espiritu Santo.
Amen.

Dated: August 05, 2015
Published and copyrighted by: PAPEL

 


Source: https://www.facebook.com/PAPELph/photos/a.1547129228861248/1631112593796244/?type=3&sfnsn=mo

 

Share this post