HAPPY DARWIN DAY!

Saan nanggaling ang DNA at sino ang nagdisenyo nito?

Una sa lahat kailangan natin tukuyin ang ilang usapin tungkol sa buhay. Lahat nang nabubuhay nja organism ay binubuo o gawa sa mga selula o cells. Ang selula ay ang pinaka payak na unit ng mga organism na nagtataglay pa rin ng lahat ng katangian ng buhay. Lahat ng pisikal na materyal ay gawa sa atoms, mga pisikal na partikula na nagtataglay ng mass at binubuo ng mga pakete ng enerhiya. Ang mga atoms ay kumakabit kabit sa isa’t isa at bumubuo ng molekula o molecules ayon sa mga batas ng Chemisty. Ang mga selula din ay isang materyal at tulad ng lahat ng materyal ay binubuo ng mga molekula.

Ang mga ito ay gawa sa apat na klase ng organikong molekula:
1. Carbohydrates mga molekula ng asukal
2. Lipids mga molekula ng langis o taba
3. Protina
4. Nucleic Acid
May dalawang uri klase ng Nucleic Acid, ito ay ang:
1. DNA (Deoxyribonucleic Acid)
2. RNA (Ribonucleic Acid)
Ang RNA at DNA ay mga polymer, isang uri ng complex molecule na binubuo ng mas payak na unit ng molekula na tinatawag na monomers. Ang DNA at RNA ay isang malakadena na molekula ng pinagdugtong dugtong na monomers na nucleotide.
Opo, ang DNA ay isa pong uri ng pisikal na kemikal, isang uri na molekula na gawa lang din sa mga lantay na partikula ng atoms. Walang mala mahika na katangian ang DNA, tulad ng ibang kemikal ito ay napapaliwanag at sumusunod sa mga batas ng kalikasan na napag-aaralan natin sa Chemistry.
Ang malaking pagkakaiba ng RNA sa DNA ay ang RNA ay binubuo lamang ng isang kadena ng nucleotides habang ang DNA naman ay binubuo ng dalawang kadena ng nucleotides na complemented sa isa’t isa, magkadikit na dalawang polypeptide sa hugis na “Double Helix”.
Meron apat na lantay na nucleotide ang bumubuo sa DNA. Ito ay ang nucleotides na:
1. Adenine (A)
2. Guanine (G)
3. Cytosine (C)
4. Thymine (T)

Dahil ang DNA ay isa kadena ng nucleotides, maaring magkaiba iba ang mga DNA batay sa pagkakasunod o pagkakahanay-hanay ng mga nucleotide nito tulad ng dalawang DNA polypeptide na ito:
1. GGTAGGGCCCTAA
2. AAAGGTTAACCCC
Tulad ng ibang mga kemikal ang DNA ay maari rin magreact o maginteract sa iba pang kemikal. Ang espesyal sa DNA ay na ito ay maaring magreact sa mga libreng nakalutang na nucleotide at sa tulong ng enzyme na DNA polymerase (isang enzyme ng protina) ay makagawa ng kopya nito. Isa ring DNA molekula na nagtataglay ng eksaaktong pagkasunod sunod ng mga nucleotide.
Sa tamang pagkakataon at sitwasyon, sa presensya ng nucleotides at DNA polymerase maaring magparami ng kopya ang isang molekula ng DNA sa reaksyong kemikal na ito. Maaring paulit ulit na makapagparami ang isang DNA at gumawa ng mga kopya nito, tinatawag ang reaksyon na ito bilang DNA synthesis. Sa kadahilanang ito kaya tinatawag ang DNA bilang isang, self-replicating molecule.
Kaya sa tanong kung may nag desenyo ba sa DNA, ang masasabi lang natin ay mukhang WALA. Ang DNA ay isa lamang molekula na maaring mabuo sa pamamagitan lamang ng natural na proseso ng Chemistry. Ang espesyal sa DNA ay may kemikal reaksyon kung saan maari itong gumawa ng iba pang molekula ng DNA na kakopya nito.

Isinulat ni: Arfel Lanuzo
#projectlogos

 

Share this post